Tag Archives: m

This I promise you

Standard

When I first laid eyes on you way back in high school, I thought to myself, “Ang yabang naman nitong taong ‘to.” Masyado ka kasing popular, maingay, masayahin at maporma. Truth is, parang artista ka sa JJ noon. It never occurred to me that we’ll ever get to know each other. We were different in many ways kasi friendly ka, loner ako, confident ka, coy ako. Nilalampasan lang natin noon ang isa’t isa at kailanman hindi mo ako nakita.

Six years later, college na tayo pareho when our paths finally crossed. You just saw me on TV then yun na, ginulat mo na ako kasi you tried to find a way to get introduced to me. Magpapakilala ka pa lang noon sakin, binara na kita by saying, “Oo, kilala kita. Ikaw yung mayabang noong high school.” It stunned you but that didn’t stop you from making friends with someone like me. From that day onwards, you never made me feel sad or left-out. You embraced my weaknesses and my strengths, and showered me with a love I’ve never felt before. You introduced me to your loving tropa, your kind parents, kay Bunik, kina Negro dog, Whitey at later sa anak nilang sina Juni. Tinuruan mo ako magbowling, mag-bilyar, pumili ng damit na hindi jologs, makipagbonding sa iba at kung anu-ano pa. Ikaw lang naman yung nagpakilala sakin, pero ang dami ng bonus. It made me cry the day you sheepishly admitted how much you have fallen in love with me. Hindi na ako loner kasi dumating ka sa buhay ko.

Looking back, I can’t help but smile; kasi yung lalaki palang sinasabing kong mayabang, sya pala yung lalaking mamahalin ko ng sobra-sobra. Sya pala yung magiging very best friend, kumare, cheerleader at defender ko. Yung mayabang na lalaki palang yun noon, sya na pala ang magiging pinaka-gwapong lalaki na nakilala ko. Almost 4 years later, ikaw na pala ang lalaki na magiging great half ko. Til now I keep asking myself, papano kung hindi ka kaya nakapanood ng newsline noon, magkakakilala pa rin kaya tayo? It was in God’s grace that our fates brought us together. It was truly magical.

Our love, it was one of a kind. It had surpassed a lot of trials. Kahit lagi tayo tumatakas noon kasi magagalit sina mama at papa satin, hindi pa rin tayo nagpaawat. Nalampasan na natin ang drama na yun, and I’m thankful na dumating satin ang stage na yun, kasi it helped us a lot. Kasi it made our relationship stronger. Kung yun nga nalampasan natin, how much more pa ang ibang pagsubok na darating satin di ba? In this celebration of our holy matrimony, we are not only sealing our love and union before God; God is here with us to remind us also that He blessed us with our wonderful families and friends who will constantly remind us that we should remain true to our vows that we will always be faithful and loving with each other.

Tope, I am so happy because although I didn’t ask for love, God gave me someone so special, someone I would gladly give my hopes, dreams and whole life for. I know I am truly blessed because God gave me YOU. Tope, I will always be here for you and for our child. I’m yours ‘til the day we breathe our last breath. I love you baby, in its deepest, purest sense. 

— This vow is somewhat a synthesized account of my hubby and I’s love story; how it blossomed, and the obstacles it surpassed. During our wedding ceremony, I can’t help but cry while telling him these words. The contents of our vows were our delightful surprise to each other that day.